DAVAO CITY – Pumalo na sa 1,685 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Davao Region matapos madagdag ang 25 bagong kaso noong Biyernes, Agosto 14.
Sa ulat na inilabas ng Department of Health (DOH)-Davao Center for Health Development, nasa 452 na ang aktibong kaso sa rehiyon.
Ayon sa DOH-XI, 11 sa mga bagong kaso ang nagmula rito sa lungsod, walo sa Davao Oriental, tatlo sa Davao del Oro, dalawa sa Davao del Norte at isa sa Davao del Sur.
Naitala rin ang isang namatay mula sa Davao del Sur.
Sinabi ng DOH, may 79 recoveries ang naitala sa nabanggit na araw, sa bilang na ito, 55 ang mula rito sa lungsod, sampu sa Davao del Norte, walo sa Davao Oriental, lima mula sa Davao del Sur, at isa sa Davao de Oro.
Nasa 1,176 naman ang total recoveries sa Rehiyon Onse at 57 ang namatay.
Sa nasabing mga bagong kaso, apat sa mga ito ang locally stranded individual (LSI), apat ang returning overseas Filipinos (ROF), at dalawa ang kailangan pa ng beripikasyon, kabilang ang 15
local cases.
Aabot na sa 703 ang isinailalim sa pagsusuri noong Biyernes, at 28 sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.
Ang 28 indibidwal ay nagmula sa ibang rehiyon at naidagdag sa mga kaso sa kanilang lugar.
Dagdag ng DOH, ang naitalang kaso sa Davao City noong Agosto 11 ay hindi nagmula rito sa lungsod kaya kailangang tanggalin sa kanilang statistic report. (DONDON DINOY)
115
