NANGANGAMBA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mapagastos muli ang pamahalaan sa panibagong surge ng Omicron variant of COVID-19.
Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na nasaid na ang pondo ng pamahalaan dahil sa ginagawang COVID-19 response ng gobyerno.
“Let me be frank to the public, depleted na talaga ang pera ng Pilipinas even coping up with the growing expenses for typhoon victims,” ayon kay Pangulong Duterte na ang tinutukoy ay ang pangangailangan para sa relief operations sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette.
“Baka makalusot ang Omicron earlier than expected. ‘Yun ang takot ko. It would require huge expenditure again to meet the challenges of the new variant,” dagdag na pahayag nito.
Tinanong ng Pangulo si Health Secretary Francisco Duque III kung makaka-survive ang Pilipinas sa Omicron-driven surge, ang naging sagot naman ng Kalihim ay makaka-survive ang bansa dahil sa patuloy na pagsunod sa COVID-19 safety protocols.
“I think so because as I have said earlier the very good compliance of our people to the minimum public health standards yung public health and social measures, we should be able to contain this,” ayon kay Duque.
Tinukoy nito ang mga bansa sa Europa na inalis ang face mask policy na naging dahilan ng pagtaas ng kaso doon.
Sinabi pa ng Kalihim na “consistent” ang Pilipinas sa minimum public health standards policy. (CHRISTIAN DALE)
