CPP-NPA EXTORTIONIST PATAY SA PNP-PRO5

NAPATAY ang isang extortionist o mangingikil na miyembro ng communist terrorist group sa nangyaring engkwentro matapos nahulog sa bitag ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, sa Brgy. Tagpocol San Fernando, Camarines Sur.

Bukod sa bangkay ng sinasabing kasapi ng CPP-NPA ay naka- recover din ang mga tauhan ni Gen. Estomo ng baril at mga bala sa isinagawang clearing operation.

Bago sumikat ang araw nitong nakalipas na Linggo ay namatay sa engkwentro laban sa pulisya ang NPA extortionist sa Brgy. Tagpocol San Fernando, Camarines Sur.

Napatay sa nasabing insidente ang itinuturing na liason at finance officer ng Randy Olitoquit Extortion Group na kinilalang si Arnel Olitoqiut y Marco.

Wala namang naitalang namatay o nasugatan sa panig ng gobyerno.

Ito ay bunsod sa impormasyong ipinaabot ng isang concerned citizen sa himpilan ng San Fernando MPS hinggil sa umano’y pangingikil ng rebeldeng grupo. Nang matanggap ang ulat, ang pinagsamang mga operatiba ng PNP Bicol at mga sundalo ay mabilis na kumilos upang bigyang aksyon ang nasabing ulat.

Nagtungo ang mga operatiba sa nasabing lugar kung saan naka-engkwentro nito ang humigit kumulang sampung armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga miyembro ng NPA na nakatuon ang operasyon sa bayan ng Bula, Balatan, Minalabac at San Fernando, Camarines Sur.

Umabot ang palitan nang putok sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at mga tauhan ng gobyerno ng sampung minuto.

Samantala, sa isang pang joint PNP-AFP counter insurgency operation ay napatay ang isa pang NPA sa Barangay Hobo, Pasacao, Camarines Sur, bandang alas-5:00 ng umaga.

Sa sumbong ng mga concerned resident, sumalakay ang joint elements ng 49th Infantry Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Benjamin Tapnio, at 9th Infantry Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Cleto R. Lelina Jr., sa tulong ng PNP at nakasagupa ang isang pulutong ng communist NPA terrorists (CNT) sa nasabing barangay.

“We will offer our left hand for those who are decided to embrace genuine peace. However, we will use our right hand—our operating troops, to look after those insisting to stay and pose a threat to the Bicolandia’s aspiration of genuine peace. Kaya sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo, sumuko na kayo, ‘wag niyong sayangin ang inyong mga buhay, ‘wag hayaan na tuluyan n’yo nang hindi makasama ang inyong mga pamilya,” ani MGen. Robinson. (JESSE KABEL)

154

Related posts

Leave a Comment