ITO ay sa likod ng napaulat na mga kaso ng pagpatay at iba pang krimen kamakailan gaya ng pagpatay sa isang doktor at isang negosyanteng senior citizen.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), bumaba ng 26.76 percent ang insidente ng focus crimes sa bansa, mula 4,817 na kasong naitala mula unang araw ng Enero hanggang sa kalahati ng Pebrero 2024 ay bumaba ito sa 3,528 cases ng kahalintulad ding panahon nitong 2025.
Nasa kategorya ng focus crimes ang homicides, murder, panggagahasa theft, robbery, physical injury, at carnapping.
Sa nasabing mga krimen may naitalang malaking pagbaba ang mga insidente ng panghahalay na halos 50 porsyento mula sa 1,261 cases noong mga unang buwan ng 2024 na bumaba na lamang sa 623 ngayong taon.
Sa datos ng PNP, base sa kanilang taunang data ay bumaba rin ng 7.31 porsyento sa focus crimes, na may 41,717 kasong naitala noong 2023 kumpara sa 38,667 cases sa taong 2024.
“We are not just responding to crime—we are working proactively to prevent it. The PNP continues to evolve, using data-driven strategies and modern technology to stay ahead of criminals,” pahayag ni PNP chief P/General Rommel Marbil.
Sa katunayan sa Metro Manila ay inulat din na bumaba ng 21.71% ang antas ng krimen sa pagitan ng Enero 1 at Pebrero 15 ng kasalukuyang taon
Ayon sa datos mula sa PNP-National Capital Region Police Office (PNP – NCRPO), lumalabas na bumaba ang focus crimes sa Metro Manila mula sa 852 insidente sa nasabing panahong noong 2024 sa 667 incidents sa parehong panahon ngayong 2025.
Ayon kay PNP-NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, bumaba ng 50 porsiyento ang mga kaso ng homicide, ang panggagahasa naman ay bumaba sa 41.57%, physical injury nasa 38%, pagpatay nasa 34.62% at pagnanakaw na bumaba sa 23.08%.
Naniniwala si Gen. Aberin na ang pagbaba ng mga krimen sa rehiyon ay bunsod ng malakas, at maaasahang ugnayan ng pulisya at komunidad.
“Crimes may seem more visible because they go viral on social media, but what’s crucial is that the same platforms help speed up investigations and bring criminals to justice. We encourage responsible reporting—use social media as a tool for safety, not panic,” naunang pahayag ni Gen. Marbil. (JESSE KABEL RUIZ)
