CRIMINAL CASES VS TRADERS OF CIGARETTES, AGRI-PRODUCTS ISINAMPA NG BOC-BATAS

Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Customs (BOC)– Bureau’s Action Team Against Smug­­­­glers (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga negosyante ng sigarilyo at mga agricultural products.

Ang unang smuggling case ay laban sa Bianmintin­a Store at Storage sa Pasay City dahil sa umano’y labag sa batas na importasyon at pagbebenta ng iba’t ibang brand ng siga­rilyo na nagkakahalaga ng mahigit 1.5 milyong piso.

Lumabag ang nabanggit na kumpanya sa itinatadhana ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) gayundin sa Customs Memorandum Order No. 20-2006 pati na sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act at maging sa section 10 ng pag­likha sa National Tobacc­o Administration.

Ang ikalawang smuggling case naman ay isinampa laban sa Hightower Incorporated at kanilang customs broker dahil sa diumano’y misdeclaration at labag sa batas na importasyon ng ipinagbabawal na agricultural fish products tulad ng round scad at mackerel na may kabuuang halagang mahigit sa 2.6 milyong piso.

Sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) Special Order No. 705, Series of 2020, ang importasyon ng Round Scad, Bonito, Mackerel, and Moonfish for Processing and/or for Institutional Buyers ay pansamantalang sinuspinde.

Ang importer at kanilang customs broker ay lumabag din sa CMTA, Philippine Fisheries Code of 1998, Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at Revised Penal Code.

Sa kasalukuyan, ang BOC ay nakapagsampa na ng 26 na criminal cases laban sa lumabag sa Customs laws, rules, at regulations.

Kaugnay nito, ang BOC ay nananatiling mapagma­tyag at patuloy na isinasakatuparan ang pagbabantay laban sa mga lumalabag sa mga panuntunan ng batas.

252

Related posts

Leave a Comment