SORSOGON – Patay ang isang Criminology student dahil umano sa hazing.
Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Omer Despabiladeras.
Si Despabiladeras ay isang First Year Criminology student ng Solis Institute of Technology sa bayan ng Bulan.
Ayon sa imbestigasyon, sa gitna initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity ay nawalan ng malay si Despabiladeras kaya dinala sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.
Sa unang health report, nagka-hematoma o pamumuo ng dugo sa kanyang hita, likuran at iba pang bahagi ng katawan si Despabiladeras.
Kasama niya sa initiation rites ang 16 na iba pang neophytes.
Tatlo sa mga ito ang dinala rin sa ospital.
Nasa kustodiya naman ng Bulan police ang dalawang naghatid kay Despabiladeras sa ospital.
Patuloy ang pagtugis ng pulis sa iba pang mga suspek. (KIKO CUETO)
204