(NI HARVEY PEREZ)
PINAG-AARALAN ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV),accredited elections watch dog na irekomenda sa Commission on Elections (Comelec) ang pagkakaroon ng curfew para mapigilan ang mga vote buying ng mga kandidatong may pera sa mga botante.
Ayon kay Maribel Buenaobra , Executive director ng PPCRV sa ginanap na lingguhang Balitaan sa Tinapayan, ito ang nakikita nilang paraan para mapigilan ang lider ng mga kandidato na makapag deliver ng pera sa mga bahay kapalit ng kanilang mga boto.
Duda umano si Buenaobra na lumikha ng batas laban sa vote buying ang mga mambabatas dahil maaaring hindi rin nila ito pagtibayin.
Mahirap umanong patunayan ang vote buying dahil maging ang Comelec ay walang kakayahan para patunayan kung nagkaroon ng transaksiyon sa vote buying.
“ Its really hard to accuse someone of vote buying, this happen when two parties agreed to a deal, the buyer and the seller and this has no receipt of transaction” dagdag ni Buenaobra.
Kasabay nito, inamin ng PPCRV na wala silang magagawa sa mga paglabag na ginagawa ng mga kandidato bago pa sumapit ang itinakdang campaign period sa nalalapit na mid term elections sa Mayo 13.
Ayon sa PPCRV, sinasamantala umano ng mga kandidato ang butas sa batas dahil ang mga campaign materials na may larawan ng mga kandidato na bumabati pero wala naman nakasulat na “vote”.
183