DAGDAG NA RUTA NG JEEPNEYS AARANGKADA

AARANGKADA na simula ngayong araw ang karagdagang sampung ruta ng mga jeepney base sa mga inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Kayat nangangahulugan na nasa 1006 tradisyunal na jeep ang papayagan nang bumiyahe.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-043 ng LTFRB, kabilang sa mga inaprubahang ruta na balik simula ngayong araw ang EDSA/North Ave.-Quezon City Hall; Marcos Ave.-Quirino

Highway via Tandang Sora; Dapitan-Libertad via L. Guinto; Divisoria-Retiro via JA Santos; Divisoria-Sangandaan; Libertad-Washington; Baclaran-Escolta via Jones, L. Guinto; Baclaran-QI via Mabini; Blumentritt-Libertad via Quiapo, Guinto; at sa Blumentritt-Vito Cruz via L. Guinto.

Pero pinaliwanag ng LTFRB na ang mga tinatawag na “roadworthy traditional jeepneys” lang ang papayagan.

Dapat ay mayroon din silang Personal Passenger Insurance Policies.

Kung walang special permit, o QR code mula sa LTFRB ay sisitahin o huhulihin.

Ang QR codes ay maaring ma-download sa website ng LTFRB.

Pinayuhan din ng LTFRB ang lahat na panatilihin ang health at safety protocol sa loob ng sasakyan. (CATHERINE CUETO)

100

Related posts

Leave a Comment