DAGSA NG TAO SA DOLOMITE BEACH, BABASAGIN NG PULIS

dolomite

KASUNOD ng kabi-kabilang batikos sa mala piyestang pagdagsa ng libo-libong tao sa Dolomite Beach sa Maynila, inatasan ni Philippine National Police chief Guillermo Eleazar ang Manila Police

District (MPD) na pangunahan ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa sinasabing kontrobersyal na pasyalan.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng heneral ang publiko sa patuloy na banta ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang direktiba, inutusan ni Eleazar si MPD chief General Leo Francisco na makipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources, mga administrador ng nasabing pasyalan at maging sa lokal na pamahalaan para sa pagbalangkas ng mga alituntunin para sa mga dumadayo.

Aniya, kailangan magkaroon ng limitasyon sa bilang ng dumarating na turista at maging sa oras na itatagal nila sa naturang dolomite beach sa hangaring maiwasang magsilbing superspreader ang tourist attraction na bahagi ng MBay rehabilitation program ng gobyerno.

“Inatasan ko na ang Director, MPD na magdagdag ng pulis sa Dolomite area ng Manila Bay upang tiyakin na nasusunod ang minimum public health safety protocols. Kasama sa aking utos ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang magkaroon ng maayos na sistema, lalo na sa pagdadala ng mga bata na nakita natin sa video at sa mga litrato na kumalat sa social media,” said Eleazar.

“Kasama sa aking utos ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang magkaroon ng maayos na sistema, lalo na sa pagdadala ng mga bata na nakita natin sa video at sa mga litrato na kumalat sa social media,” dagdag pa ng heneral, sabay kambyong di niya nais maging killjoy sa mga taong lubhang nasabik matapos ang mahabang panahon ng paghihigpit.

“Hindi dahilan ito upang ipagsawalang-bahala ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na ang mga batang isinama nila gayung malinaw sa patakaran na hindi pa pwede silang lumabas under the Covid Alert Level 3,” pahabol pa ni Eleazar.

Sa tala ng mga eksperto, hindi bababa sa 4,000 katao ang sabayang pumasyal sa Manila Bay dolomite beach na ginastusan ng hindi bababa sa P650 milyong sa gitna ng pandemya. (RENE CRISOSTOMO)

368

Related posts

Leave a Comment