Dahilan ng pulong ng ‘Davao friends’ sa Palasyo KUDETA SA KAMARA MULING UMUGONG

KINUMPIRMA ng isang kaalyado ng Palasyo ang aniya’y tangkang kudeta sa liderato ng Kamara.

Gayunpaman, hayagang sinabi ni partylist Rep. Michael Aglipay na nabigo ang tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Lord Allan Velasco dahil bigo aniyang makakuha ng sapat na bilang ng suporta ang grupong nagsusulong kay House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez bilang kapalit ni Velasco.

“Ang nakuha kong text during the entire Monday was to unseat the Speaker,” ani Aglipay.

Aniya, 30 lamang ang mga nakumbinsing kongresista laban sa 200 na nanindigang panatilihin sa pwesto si Velasco.

Ito rin umano ang dahilan sa pagpapatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa may 100 kongresista sa Palasyo nito lamang Martes ng gabi.

Usap-usapan din ang bwelta sa grupong nagsusulong ng kudeta sa Kamara – ang tanggalin bilang majority leader ni Romualdez, bagay na sa tingin ni Aglipay ay isa lamang taktika ng mga nasa likod ng bigong kudeta.

“Tingin ko galing din sa kanila ang info na yan,” dagdag pa ni Aglipay.

Nilinaw naman ng party-list congressman na walang sinabi ang Malakanyang na sipain si Romualdez.

Gayunpaman, naniniwala si Aglipay na dismayado ang Pangulo sa Lakas-CMD kaugnay ng desisyon ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara-Duterte-Carpio na suportahan ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, imbes na si Senador Bong Go na kandidato sa pagkapangulo ng PDP-Laban.

“Nakita niyo speech ni President kay Banat By. He blames Lakas for this, for the tandem of kung sino katandem ni Sara. Bine-blame niya siguro. Di naman niya sinabi siguro bine-blame niya camp ng Lakas for the… I don’t know for that outcome na nangyari ngayon na si Mam Sara is for VP,” ayon pa kay Aglipay.

Samantala, pinasinungalingan naman ng Lakas CMD ang mga pahayag ni Aglipay.

“President Rodrigo Duterte did not make any categorical statement blaming Lakas-CMD for the decision of Mayor Sara to run as Vice President. We would like to refer Rep. Mike Aglipay to the interview of the President last Sunday with regard to Mayor Sara’s decision. Nowhere in his statement did the President blame Lakas-CMD or any member of the party for the Mayor’s decision.”

“There is also absolutely no basis to Rep. Aglipay’s insinuations that rumors of a supposed coup to oust the Speaker and the Majority Leader may have come from ‘them’ meaning Lakas. This is utterly preposterous. Once again, these rumors did not originate from us and we don’t have any intention of changing the leadership in the House of Representatives,” saad ng isang kalatas ng partidong pinamumunuan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (BERNARD TAGUINOD)

188

Related posts

Leave a Comment