DAING: COMFORT FOOD NG MGA PINOY

DAING-1

Daing, tuyo, bilad at pinikas.

Tinatawag din itong bulad o buwad sa Cebu. Ang katawagan sa mga daing ay nag-iiba-iba rin kapag naibagsak na ito sa merkado o sa palengke.

Iba’t iba mang katawagan, lahat iyan ay paborito ng mga Pinoy.

Sinasabing pagkain ito ng mahihirap, pero ang totoo ay pagkain ito ng hindi mapili sa pagkain. Comfort food ito ng mga tunay na Pinoy, ika nga.

Kahit payak lamang ang uri ng pagkain na ito ay sapat na sapat na at kung minsan pa ay tila langit ito sa marami partikular sa mga Pinoy na nagtatrabaho abroad.

Ang pagkain na ito ay iba-iba depende sa mga uri ng isda o anumang lamang-dagat na inasinan at ibinilad ng may ilang araw.

Sa mga pangkaraniwang tao, ang daing o tuyo ay murang nabibili kaya pwedeng pagtiyagaan at paghatian ng marami. Tipid ito para makaraos sa gutom. Tipid ding iluto kaya hindi rin magastos at menos sa pagod.

Marami ring mga taong may kaya o sadyang maya¬yaman ang hindi napipigilang kumain nito lalo na kung nak-asanayan o nakalakihan.

Sa ibang lahi, partikular ang Caucasians, iba para sa kanila ang daing. Karaniwang naririnig ang komento ng mga ito kung mayroon silang kakilala, kasama sa bahay na mga Filipino (o Asian).

Ang tulad nila ay may komento – o sa mas ibang lebel ay reklamo – na ang daing lalo na kung niluluto pa lamang ay may masagwa nang amoy. Para sa kanila ito ay mabaho – parehas ng reklamo nila sa bagoong. Pero para sa mga Pinoy at ibang kalahi natin sa Asya, kung ano ang may masagwang amoy ay ito pa ang sadyang masarap at langit sa lasa.

POPULAR NA DAING

– Danggit o dangguit

– Galunggong

– Dilis

– Tunsoy o tamban

– Tuloy

– Labahita

– Salay-salay

– Espada

– Matambaka

– Sapsap

– Bisugo

– Jeprox

– Sardinas

– Pusit

Uri ng mga isda

Kung tutuusin, kahit anong uri ng isda ay pwedeng idaing.

Labtingaw

Isang uri ito ng daing na itinimpla lamang sa kaunting asin at kaunting oras (hindi araw) sa pagbilad sa matin-ding init ng araw.

Para sa iba ito ay may kakaiba ring lasa na angat dahil hindi kaalatan, mamasa-masa at mas malaman dahil hindi hustong bilad sa araw.

Daing na bangus o lamayo

Ang karaniwang daing na ating nakikita sa hapag kainan ay ang daing na bangus na hindi ginawa sa pamamagi-tan ng pagbibilad sa araw kaya naman hindi matigas na matigas.

Sa panimula, ang bangus ay hinahati upang maging split open ito, maingat na tinatanggalan ng tinik at binababad nang magdamag sa marinade.

Ang uri ng daing na ito ay binababad sa isang mixture na may halong suka, bawang, durog na paminta at asin. May iba naman na sinasama sa timpla nito ang siling haba o siling labuyo, habang ang iba ay cayenne pepper powder para sa kakaibang anghang at lasa ng daing na bangus.

Sa parte ng daing na bangus na ito, mas naroon ang lasa sa bandang tiyan ng isda.

Ang daing na ito ay mas masarap na ipares sa sinangag na kanin, na sasabayan pa ng mga hiniwang kamatis at pritong itlog. May iba rin na hindi pa kuntento mismo sa sarap ng daing na bangus at ito ay isinasawsaw pa sa sukang may bawang, sibuyas, paminta, luya, at asin.

Lamayo rin ang tawag sa daing na ginagamitan ng anumang uri ng isda – hindi lamang basta bangus. Ngunit ang proseso sa paggawa nito ay hindi rin binibilad sa araw.

Ang proseso nito ay tulad lamang sa daing na bangus kaya naman masarap pa rin talagang kainin. Matapos na linisin ang isda nang mabuti ay agad na itong ibabad sa marinade.

663

Related posts

Leave a Comment