DIWA NG PASKO. Naghatid ng saya ang Meralco sa pamamagitan ng One Meralco Foundation sa lalawigan ng Batangas matapos nitong pailawan ang Metropolitan Cathedral of San Sebastian sa Lipa City.
LIPA CITY, BATANGAS 03 DISYEMBRE 2025—Naghatid ng maagang pamasko ang Manila Electric Company (Meralco), sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF), sa lalawigan ng Batangas katuwang ang Archdiocese ng Lipa.
Bilang bahagi ng community electrification program nito, naghatid ang OMF ng liwanag sa pamamagitan ng mga solar streetlamp para sa iba’t-ibang parokya sa ilalim ng Archdiocese ng Lipa. Bahagi ng electrification program ng OMF ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa mga maralitang pamilya, mga rural health center, at mga pasilidad para sa agrikultura, kabuhayan, at sistema ng tubig. Layunin nitong matulungan ang mga komunidad sa kanayunan na walang serbisyo ng kuryente.
Kabilang din sa maagang pamaskong hatid ng OMF ang mga Noche Buena package para sa mga pamilyang nangangailangan sa iba’t-ibang parokya sa Batangas. Pinangunahan ang pamamahagi nito nina Meralco Chief Operating Officer at OMF Trustee Engr. Ronnie L. Aperocho, Meralco Chief External and Government Affairs Officer Atty. Arnel D. Casanova, Meralco Chief Corporate Social Responsibility Officer at OMF President Jeffrey O. Tarayao, at Lipa Archbishop Gilbert Garcera. Kasabay ito ng lighting ceremony ng makasaysayang Metropolitan Cathedral of San Sebastian sa Lipa.
Sa pamamagitan ng OMF, nakipagtulungan ang Meralco sa Archdiocese ng Lipa para sa Christmas lighting ng harapan ng nasabing katedral. Sa larawan ay makikita sina (L-R) Meralco Chief External and Government Affairs Officer Atty. Arnel D. Casanova, Parish Priest ng Metropolitan Cathedral of San Sebastian Msgr. Ruben M. Dimaculangan, Lipa Archbishop Most Rev. Gilbert Garcera, Lipa City Mayor Eric B. Africa, Meralco Chief Operating Officer at OMF Trustee Engr. Ronnie L. Aperocho, at Meralco Chief Corporate Social Responsibility Officer at OMF President Jeffrey O. Tarayao.
Patuloy na pinapalalim ng Meralco ang presensya nito sa Batangas sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. Sa kasalukuyan, naghahatid ang Meralco ng serbisyo ng kuryente sa mga lungsod ng Sto. Tomas, Batangas, at bayan ng San Pascual.
“Kaisa kami ng ating mga kababayan sa Batangas sa pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng paghahatid ng liwanag at pamamahagi ng regalo. Sana ay sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, maging mas makahulugan at masaya ang pagdiriwang na ito lalo na para sa mga pamilyang higit na nangangailangan,” ani Tarayao.
Patuloy na nagsusumikap ang Meralco at OMF na maghatid ng liwanag sa iba’t-ibang komunidad bilang bahagi ng layunin nitong makatulong sa lalo pang pagpapaunlad ng bansa.
“Ngayong Pasko, hatid ng Meralco, sa pamamagitan ng OMF, ang liwanag sa ating mga simbahan upang magbigay-inspirasyon at lalo pang palakasin ang pagkakaisa nating mga Pilipino. Bilang bahagi ng komunidad ng Batangas, nananatiling tapat ang Meralco sa pagsuporta sa pag-unlad ng lalawigan sa pamamagitan ng paghahatid ng liwanag na nagbibigay pag-asa,” ani Casanova.
53

