DALAGA INARESTO SA UTANG SA CREDIT CARD

ISINELDA ng District Investigation Division D2 ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang 40-anyos na dalaga dahil sa kasong paglabag sa “Term of Credit Card Plan” (TCCP) makaraang madakip sa pamamagitan ng warrant of arrest noong Lunes ng gabi sa Apolinario Mabini Street, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Veronica, dalaga, residente ng Caloocan City, itinuring na most wanted person sa district level.

Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-D2 SMaRT, bandang alas-11:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa pangunguna nina Police Major Dave Garcia, Police Major Val Velencia, Police Captain Edgar Julian , Police Captain Kevin Rey Bautista at iba pang mga tauhan ng SMaRT.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Alma Crispina Collado Lacorte, ng Regional Trial Court Branch 21 ng Manila, sa kasong paglabag sa Section 3602 in relation  to Section 2503 at Section 2530 par (f), (i), at 1 (3), (4), at  (5) of TCCP, na inamiyendahan sa Section 3601 in relation to Section 2503 at Section  2530 par. (f), (i), at 1 (3), (4), at (5) of the TCCP as amended.

Gayunman, pinayagan ng korte ang suspek na maglagak ng piyansang P120,000 sa bawat kaso.

(RENE CRISOSTOMO)

376

Related posts

Leave a Comment