TEMPORARY LICENSE SA PLAKDANG NURSES PINAG-AARALAN

MASUSING pinag-aaralan ang panukalang pagbibigay ng pansamantalang lisensya sa nursing graduates na may 70% hanggang 74% board exam rate, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Ginawa ni Health Secretary Ted Herboso ang mungkahi upang matugunan ang kakulangan ng nurses sa mga ospital ng gobyerno.

Ayon kay Laguesma, maganda ang intensyon ng nasabing mungkahi ngunit kailangan aniyang pag-aralan muna upang matukoy ang posibleng mga alituntunin.

Dagdag pa ni Laguesma, dapat tingnang mabuti at magkaroon ng pagkakasundo kung ano ang dapat na regulasyon upang mapangalagaan din ang batas.

Noong Lunes, binanggit ni Herbosa na sumang-ayon na ang pamunuan ng DOLE sa naturang mungkahi at nangako na makikipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang makapagbigay ng pansamantalang lisensya sa eligible nursing graduates.

Sinabi ni Herbosa, sa sandaling makapasa sila sa board exam, ang lisensyadong nurses ay kailangang pumirma sa isang four-year return service agreement at magbigay ng serbisyo sa government hospitals bago sila payagang magtrabaho sa ibang bansa.

Kung papayagang magtrabaho sa gobyerno, ang nursing graduates ay tatanggap ng panimulang sweldo na aabot ng P35,000 hanggang P40,000 at maaari pang tumaas.

(RENE CRISOSTOMO)

253

Related posts

Leave a Comment