QUEZON – Namatay ang 46-anyos na dalagaΒ habang tinatangkang sagipin ang dalawang nalulunod na binatilyo sa beach resort sa bayan ng Sariaya, noong Lunes.
Idineklarang dead on arrival sa ospital sa Lucena City ang biktimang si Juvelyn Cabrera, residente ng Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas.
Batay sa report ng Sariaya Police,Β nag-outing ang magkakamag-anak sa isang resort saΒ Brgy. Guis-Guis Talon, Sariaya nang mangyari ang insidente.
Dakong alas-4:30 ng hapon, habang naliligo ang dalawang binatilyo ay natangay ang mga ito ng alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.
Agad sumaklolo ang dalaga at nasagip nito ang isa sa dalawang binatilyo at nadala sa mababaw na bahagi.
Subalit nang balikan nito ang isa pa, hindi na nito kinaya at natangay na ito ng alon at lumubog na rin sa tubig.
Nasagip naman ng mga residente na gumamit ng bangka, angΒ isa pang binatilyo.
Isinugod sa ospital ang biktima subalit tuluyan nang binawian ng buhay. (NILOU DEL CARMEN)
201 