DALAGA SUMABIT SA KAWAYAN SA ILALIM NG ILOG, NALUNOD

QUEZON – Nalunod ang isang babae habang naliligo sa ilog nang sumabit ang katawan nito sa kawayan sa ilalim ng tubig sa Sitio Pusod, Brgy. Casay, sa bayan ng San Francisco sa lalawigan.

Kinilala ang biktimang sa pangalang “Rechelle”, 23, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng ina sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon noong Martes, Mayo 27.

Nabatid sa imbestigasyon, tumalon sa ilog ang biktima upang maligo ngunit hindi na ito lumutang.

Agad itong hinanap at kalaunan ay nakita itong nakasabit sa mga siit ng kawayan sa ilalim ng tubig.

Agad itong iniahon at isinugod sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN)-San Francisco subalit idineklarang walang buhay pagdating sa pagamutan.

Walang nakitang senyales ng foul play sa insidente at tinukoy ng doktor na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

74

Related posts

Leave a Comment