DALAGITA HINALAY NG KATAGAY

ARESTADO ang isang 24-anyos na helper makaraan umanong gahasain ang isang 15-anyos na dalagitang kainuman sa Port Area, Manila noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Mike Gomez, station commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang suspek na si alyas “Ronel”, 24, residente ng Port Area Manila.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang panghahalay ng suspek sa biktima habang natutulog ito sa kanyang kuwarto.

Salaysay ng biktimang si alyas “Trixie”, bago ang insidente nag-inuman sila kasama ang kanyang mga kapatid, pinsan at ang suspek.

Ngunit nang malasing siya ay nagpasya siyang matulog na sa kanyang silid ngunit naalimpungatan siya nang may maramdamang may humahalik sa kanya.

Agad umano siyang bumalikwas at naaninag ang mukha ng suspek. Sa puntong iyon ay may tumawag umano sa suspek kaya lumabas ito.

Dahil sa takot ng dalagita, nilagyan niya ng harang ang pintuan upang hindi na muling makapasok ang suspek.

Gayunman, mabilis umanong itinulak ng suspek ang pinto kaya nakapasok ito.

Doon umano siya hinalay ng suspek at dahil sa kanyang kalasingan ay hindi na niya ito napigilan.

Makaraan ang insidente, agad nagsumbong sa kanyang mga magulang ang suspek na mabilis namang nagreklamo sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11648 (Statutory Rape). (RENE CRISOSTOMO)

81

Related posts

Leave a Comment