DAMAGE ASSESSMENT SA CAGAYAN AT MINDANAO QUAKE PATULOY

PATULOY ang isinasagawang damage assessment ng Office of Civil Defense bunsod ng magkasunod na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao at Cagayan, kasunod ng naging pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na posibleng magkaroon pa ng malalakas na aftershock.

Unang niyanig ng magnitude 5.7 earthquake ang Dalupiri Island sa Cagayan bandang alas-11:35 bago magtanghali noong Miyerkoles.

Unang iniulat na magnitude 6.2 ang naitalang lindol bago ito ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.7 na naramdaman ang intensity 3 ng pagyanig sa Calayan, Cagayan, habang intensity 4 naman sa Lacub, Abra; Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Carasi, Dumalneg, City of Laoag, Pagudpud, Pasuquin, San Nicolas, at Sarrat in Ilocos Norte; Peñablanca, Piat, Santo Niño, Solana, at Tuguegarao City.

Magnitude 6.4 naman na lindol ang tumama sa lalawigan ng Davao Occidental kamakalawa ng gabi dahilan para suspendihin ng lokal na pamahalaan ang pasok sa trabaho at mga paaralan kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang tectonic earthquake dakong alas-7:21 noong Miyerkoles ng gabi na nagpauga sa Sarangani Island.

(JESSE KABEL RUIZ)

360

Related posts

Leave a Comment