DAMBUHALANG OARFISH LUMUTANG SA QUEZON

QUEZON – Isang wala nang buhay na dambuhalang oarfish ang natagpuang palutang-lutang sa Guinayangan Municipal Fish Port sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan dakong alas-7:30 ng umaga noong Miyerkoles, Pebrero 4,

Natuklasan ito ng isang mangingisda na agad namang nag-ulat sa Coast Guard Sub-Station Guinayangan.

Mabilis namang nagresponde ang Municipal Agriculturist at ang mga Fishery Technician upang magsagawa ng pagsusuri.

Ayon sa isinagawang pagsukat, ang oarfish ay may habang 3.59 metro, lapad na 0.70 metro, at may timbang na 22 kilo.

Kinikilala ang nasabing isda bilang isang deep-sea species na bihirang makita sa mababaw na bahagi ng dagat.

Dahil sa kondisyon ng isda at para sa kaligtasan ng publiko, ito ay hindi pinahintulutang kainin at agad na inilipat sa itinakdang lugar para sa maayos na disposal.

(NILOU DEL CARMEN)

2

Related posts

Leave a Comment