DAR SEC. CRUZ NAIS PAMUNUAN ANG PEACE PROCESS OFFICE

PARA magkaroon ng kapayapaan, muling sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na nais niyang pamunuan ang Peace Process office ng incoming administration.

Sa telephone interview, sinabi ni Cruz na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ni President Ferdinand Marcos Jr., tiniyak nito na makatutulong siya para sa peace process at gusto niyang pamunuan ito upang matapos na ang gulo.

Magtatapos ang termino ni Cruz bilang DAR chief sa darating na Hunyo 30, ang huling araw rin ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nais kong pamunuan ang peace process at bilang dating miyembro ng makakaliwang grupo, sa aking palagay malaki ang magiging impluwensya ko para isulong ang peace process at magkaroon na ng kapayapaan,” ani Cruz.

Si Cruz ay nakilala sa mga isinulong nitong proyekto sa kanayunan para sa pagpapalakas ng agrikultura ng bansa at mega farm.
Binigyan diin ni Cruz na ang mega farm ay pulutong ng mga magkakatabing sakahan na kinokonsolida upang makabuo ng isang plantasyon na may kakayahang makapag-ani ng maramihan. (PAOLO SANTOS)

108

Related posts

Leave a Comment