DATING MAGKASANGGA MAGBABANGGAAN SA BULACAN

TULOY na ang banggaan ng dalawang mahuhusay na politiko sa lalawigan ng Bulacan sa pagtakbo sa pinakamataas na posisyon ng dating magkasangga sa pulitika.

Ang premyadong aktor na si re-electionist Governor Daniel Fernando ay una nang nagpahayag na gobernador pa rin ang target sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

Ang dati nitong kasangga na si incumbent Vice Governor Willy Alvarado na unang termino pa lamang sa pagkabise-gobernador at mula sa partido ng NUP ay nag-“ober de bakod” at napilitang umanib sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para tapatan si Gob. Fernando.

Nitong Miyerkoles ay pormal na naghain ng kanilang COC si Alvarado at ang makakasama nito sa PDP-Laban na si former governor Jonjon Mendoza para gobernador at bise-gobernador.

Kinatawan ng dating kongresista at asawa ni Alvarado na si Cong. Marivic Alvarado ang paghahain ng COC ng matandang Alvarado dahil ito ay kasalukuyang naka-home quarantine matapos magpositibo sa COVID-19.

Naghain din ng COC sa ilalim ng PDP si Congressman Jonathan Sy-Alvarado para sa Unang Distrito ng Bulacan kasama sina Board Member Mina Fermin at Allan Andan gayundin si Anjo Mendoza para naman sa 5th District. (ELOISA SILVERIO)

398

Related posts

Leave a Comment