Davao Oriental niyanig din 5 SUGATAN SA DAVAO DEL SUR QUAKE

NIYANIG naman ng magnitude 5.7 earthquake nitong Lunes ng umaga ang Davao Oriental, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ito ay matapos ang 6.1 magnitude earthquake na tumama sa Davao del Sur na ikinasugat ng lima katao at ikinasira ng limang imprastraktura, kabilang ang dalawang simbahan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Bunsod ng naunang paglindol, may limang imprastraktura ang partially damage, kabilang ang dalawang simbahan sa M’lang, Cotabato; isang ospital sa Isulan, Sultan Kudarat; at dalawang pribadong gusali sa Kabacan, Cotabato ang napinsala.

Kinailangan ding ilikas ang mga pasyente ng Kidapawan Medical Specialist, Madonna Medical Center at Kidapawan Doctors Hospital Inc, para ma-inspeksyon ang mga gusali, pero nakabalik na ang mga ito.

Samantala, inihayag naman ng state seismologist, rumehistro ang huling lindol, may 211 kilometers timog-silangan ng Governor Generoso municipality bandang alas-8:00 ng umaga at sinasabing tectonic ang pinagmulan nito, sa lalim na 44 metro.

“Malayo at malalim. ‘Yung distansya din napakaimportante kaya ‘di ito masyado maramdaman at ‘di mapaminsala,” pahayag ni Phivolcs officer-in-charge Renato Solidum.

Posible umanong may kaugnayan ang nasabing lindol sa naganap na magnitude 7.1 quake noong nakalipas na buwan na naramdaman sa maraming bahagi ng Mindanao na sanhi ng paggalaw ng Philippine Trench.

Habang ang lindol sa Davao del Sur nitong Linggo ay sinasabing karugtong ng mga serye ng lindol na nagsimula noong Oktubre 2019.

‘Yung pinakamalaki nga in 2019, magnitude 6.9 earthquake sa Davao del Sur. “Yung kumilos kahapon ‘yung Makilala-Malungon fault, ‘yan din ‘yung kumilos noong December 2019, magkaibang branch lang. Sabi nga natin pwede pang magkaroon ng iba pang lindol d’yan so kailangan talagang handang-handa parati ang ating mga kababayan,” pahayag ni Solidum. (JESSE KABEL)

179

Related posts

Leave a Comment