DAVAO PORT, ISO CERTIFIED NA RIN

MAKARAAN ang mahabang proseso ng pagsusuri, inirekomenda na para sa inaasam na ISO Certification ng Port of Davao, ang kauna-unahang Puerto sa Visayas at Min­danao na gagawaran ng isang pagkilala ng husay sa pamantayan ng isang pandaigdigang tagasuri.

Sa isang pahayag ng Bureau of Customs (BOC), buong pagmamalaking ibinida ang Port of Davao makaraang maipasa ang ikalawa at huling antas ng External Quality Audit, dahilan para irekomenda ang nasabing pasilidad para sa ISO 9001:2015 Certification, na patunay ng pinabuting sistemang akma sa modernisasyon sa larangan ng kalakalan.

Giit ng BOC, hindi naging madali para sa Port of Davao ang dinaanang pagsusulit na pinangasiwaan ng mga itinalagang rebisador ng TÜV SÜD, na nagsuri sa aktuwal na proseso ng Quality Management System na ipinatutupad ng nasabing puerto.

Sa kabuuan, may 17 proseso ang sinuri at inirekomenda para sa ISO Certification – Assessment, Operations, Administrative, Customer Care Center Services, Passenger Service, at Airport Cargo Operations.

Pasok din sa pandaigdigang pamantayan ang mga programang ipinatutupad ng Management Information System and Technology Group (MISTG), Enforcement Security Service (ESS), X-ray Inspection Project (XIP), at ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Pagtitiyak naman ni Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria, mas paiigtingin ng kanilang puerto ang mga pagbabagong kalakip ng 10-point priority agenda ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, para sa isang maayos na kalakalan at mabisang serbisyo.

260

Related posts

Leave a Comment