DAVAO REGION NIYANIG NG MAGNITUDE 6.1 LINDOL

NIYANIG ng magnitude 6.1 earthquake ang ilang bahagi ng Davao Region kahapon ng umaga, ayon sa ulat na natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa ibinahaging report ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kanilang narehistro ang sentro ng pagyanig sa silangang bahagi ng Sarangani Island (Municipality of Sarangani) sa Davao Occidental bandang alas-7:48 ng umaga kahapon,

Unang iniulat na magnitude 6.5 ang naramdamang pagyanig subalit agad din itong ibinaba ng PHIVOLCS.

May layo ito na 285 kilometro, lalim na 156 kilometers at “tectonic” ang sinasabing pinagmulan nito.

Nasa Intensity II naman ang naramdaman sa lalawigan ng Cateel, Davao Oriental.

Tiniyak ng PHIVOLCS na walang aasahan na pinsala at aftershocks kasunod ng naganap na paglindol. (JESSE KABEL)

179

Related posts

Leave a Comment