DAYCARE WORKER PATAY SA BANGGAAN NG 2 MOTOR

QUEZON – Patay ang isang daycare worker matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Sitio Bukal, Barangay Binay, sa bayan San Narciso sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.

Batay sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, bandang alas-8:30 ng umaga nang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo ng asawa ng biktima na si “Jenelyn”, residente ng Barangay Villa Reyes, at ang motorsiklong minamaneho ng suspek na kinilalang si “Boby”, 43-anyos, isang magsasaka at residente ng Barangay Binay.

Ayon sa imbestigasyon, magkasamang bumibiyahe noon si Jenelyn at ang kanyang asawa patungong bayan ng San Narciso nang biglang maka-head on collision nila ang kasalubong na sasakyan ng suspek.

Agad na isinugod sa Quezon Provincial Hospital Network sa San Narciso ang mag-asawa para sa malunasan subalit idineklara ng mga doktor na dead on arrival ang daycare worker.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Narciso Police ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

109

Related posts

Leave a Comment