SAPAT ang pondo ng Department of Budget and Management para pondohan ang pasuweldo para sa mga kawani ng pamahalaan sa 2021.
Ayon kay DBM Secretary Wendel Avisado, makaaasa ang mga government worker na sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon na hindi pa gayung kalakas ang koleksiyon ng gobyerno ay sapat naman ang inilagay na miscellaneous services and benefit fund para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Aniya, walang matatanggal na kawani ng gobyerno dahil walang retrenchment na magaganap.
Sa katunayan, inihayag ni Avisado na maaari pa ngang makapag-hire ang isang ahensiya ng pamahalan ng mga contractual employee. (CHRISTIAN DALE)
245
