DEATH TOLL SA BAGYONG BASYANG: SUMAMPA SA 12

UMABOT na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dulot ng pananalasa ng Tropical Storm Basyang, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD) hanggang alas-6 ng gabi nitong Sabado.

Ayon sa OCD, siyam sa mga nasawi ay naitala sa Northern Mindanao (Region 10). Apat sa mga ito ang namatay matapos matabunan ng landslide sa Cagayan de Oro City, habang apat naman ang nasawi sa Lanao del Norte. Isa pang kaso ang patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad.

Tatlo naman ang naitalang nasawi sa Caraga Region dahil sa pagkalunod, kung saan dalawa ang mula sa Surigao del Sur at isa sa Agusan del Norte.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), limang beses nag-landfall ang bagyong Basyang bago tuluyang humina.

Samantala, apektado ng bagyo ang hindi bababa sa 467,000 indibidwal mula sa Visayas at Mindanao, ayon sa pinakahuling datos ng OCD.

Sinabi ni OCD Spokesperson Junie Castillo na katumbas ito ng tinatayang 132,000 pamilya mula sa 850 barangay. Ilan sa mga apektadong residente ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.

(JESSE RUIZ)

2

Related posts

Leave a Comment