DEATH TOLL SA COVID-19: 2,923

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga namamatay sa Coronavirus Disease (COVID-19) na sa huling ulat ay nasa 2,923 na sa buong mundo.

Nakapagtala ng panibagong 35 deaths mula sa China, habang nadagdagan din ang mga nasawi sa Iran (9), South Korea (1), Italy (8), at isa mula sa Amerika.

Nasa 86,602 naman ang mga nagpositibo sa virus mula noong Disyembre 2019.

Ayon sa National Health Commission ng China, may 573 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Naglabas na rin ng kautusan ang China sa lahat ng rehiyon nito na i-classify ang lugar nila bilang “high-risk”,

“medium-risk” at “low-risk.”

Sa ngayon ay may 79,000 infected ng sakit.

Nitong Sabado, sinabi ng Singaporean Ministry of Health na may Filipina domestic worker na kabilang sa apat na bagong COVID-19 cases sa kanilang bansa.

Samantala, umakyat na sa siyam katao, na kabilang sa mga Pinoy na inilikas mula sa cruise ship na MV Diamond Princess, sa Japan, ang nakitaan ng Department of Health (DOH) ng sintomas ng respiratory illness.

Ayon sa DOH,  nadagdagan pa ng dalawa ang naunang pitong kaso na mino-monitor nila sa mga referral hospital sa

Luzon.
Sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na ang pitong unang kinakitaan ng sintomas ay pawang nagnegatibo naman na sa COVID-19. DAHLIA S. ANIN, KIKO CUETO

165

Related posts

Leave a Comment