DEATH TOLL SA LPA, ‘CRISING’: 6 NA

NAGTALA na ng anim kataong nasawi dahil sa Tropical Cyclone Crising, Southwest Monsoon o Habagat, at low pressure area (LPA).

Sa pag-uulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ‘as of 6 a.m., araw ng Martes, may tatlong napaulat na nasawi sa Northern Mindanao at isa Mimaropa, isa sa Davao Region, at isa sa Caraga.

Dalawa lamang mula sa anim na napaulat ang kumpirmado sa ngayon, ayon sa NDRRMC.

Sa Barangay Poblacion sa Mambajao, Camiguin, ang biktima ay tinamaan ng bumagsak na puno noong Hulyo 19. Dinala siya sa ospital subalit idineklarang nasawi dahil sa trauma secondary sa external injury.

Sa Barangay Matin-ao sa Mainit, Surigao del Norte, isa pang biktima ang nakasakay sa motorsiklo mula sa bahay ng kanyang kaibigan nang may isang puno ang bumagsak at tumama sa kanya.

Sinabi ng NDRRMC na may limang katao ang napaulat na nasugatan at anim naman ang nawawala sa gitna ng masungit na panahon.

May kabuuang 1,266,322 katao o 362,465 pamilya ang apektado ng Crising, Habagat, at LPA sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Eastern Visayas.

Ang pagbaha, landslides, pagbagsak o pagguho ng mga istraktura at mga buhawi ay naiulat sa ilang apektadong lugar.

Sa mga apektadong populasyon, may 17,116 katao o 4,991 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 65,219 katao o 14,524 pamilya ang nanunuluyan sa ibang lugar.

May kabuuang 1,501 bahay ang napinsala. May 348 ang totally damaged habang 1,153 naman ang partially damaged.

Ang pinsala naman sa imprastraktura ay nagkakahalaga ng P413,020,214 at sa agrikultura ay nagkakahalaga ng P54,067,336 ang iniulat, ayon sa NDRRMC.

Idineklara naman ang state of calamity sa Umingan, Pangasinan. (CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

17

Related posts

Leave a Comment