MAGSASAGAWA ng validation si Presidential spokesperson Harry Roque hinggil sa ulat na may umaalmang health workers bunsod ng pagkakaantala ng kanilang allowance.
Batay sa impormasyon, mula umano ito sa tatlong government hospitals.
Ani Sec. Roque, makikipag-ugnayan siya sa DOH finance upang malaman ang katotohanan sa napaulat na delay.
Aniya pa, dati nang nagalit si Pangulong Duterte nang malaman na hindi nari-release ang bayad sa mga medical frontliner.
Kumbinsido si Sec. Roque na kung totoo man ang napabalitang muling delay sa allowance ng health workers ay may balidong dahilan at hindi papayag ang mga nasa likod ng pagri-release ng budget na muli silang masita ni Pangulong Duterte. (CHRISTIAN DALE)
155 