DELIVERY RIDER TIMBOG SA P1.6-M MARIJUANA

ARESTADO ang isang delivery rider makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-narcotics ng Pasig PNP noong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Buknoy,” 27, na agad na inaresto matapos magbenta ng nasabing ilegal na droga sa isang undercover agent.

Ayon kay Mangaldan, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Pasig PNP sa Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Nakumpiska sa suspek ang mga pakete ng hinihinalang marijuana (kush), at isang heat-sealed transparent sachet, 2 self-sealing plastic bags at isang cling-wrapped bundle—lahat ay naglalaman ng dried fruiting tops ng marijuana.

Idinagdag pa ng chief of police, lampas sa 1,100 gramo ang timbang ng nasabing ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P1,650,000.

Nasa kustodiya na ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si alyas “Buknoy” para sa dokumentasyon at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NEP CASTILLO)

2

Related posts

Leave a Comment