DENGUE CASES SA CALABARZON, UMAKYAT SA 6,362

UMABOT na sa 6,362 ang bilang ng mga kaso ng dengue na naitala sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon magmula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, batay sa datos ng Department of Health Region 4-A.

Nasa 53% ang itinaas ng kaso ng dengue sa rehiyon kumpara noong 2021 na nasa 4,151 lamang .

Mas laganap ang mga lamok sa panahon ng tag-ulan dahil dumarami ang mga lugar na pinamumugaran ng mga ito. Kabilang sa mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue ang Aedes Aegypti.

Kaya naman patuloy ang paalala ng DOH 4-A na sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang dengue at masugpo ang sakit na ito sa ating mga komunidad.

Kabilang sa paalala na sundin ang 4S na kampanya ng gobyerno na: Search and Destroy sa pinangingitlugan ng mga lamok; Secure Self-Protection mula sa kagat ng lamok; Seek Early Consultation kung may mga sintomas na ng dengue, at Say Yes to Fogging upang masugpo at huwag na hayaang magka-outbreak. (CYRILL QUILO)

232

Related posts

Leave a Comment