DENGUE: MAS MALAKING BANTA SA BALIK-ESKWELA

EDITORIAL 

HABANG bumabalik ang mga estudyante sa paaralan ngayong Hunyo, lumalakas din ang banta ng dengue. Tumataas ang kaso sa iba’t ibang probinsya, kasabay ng malakas na ulan. Kapag may naipong tubig sa bakuran o silid-aralan, puwedeng pamugaran ito ng lamok.

Mga bata ang madalas tamaan. May mga paaralang nag-ulat ng estudyanteng naospital.

Bumababa ang attendance. Ang iba, hindi na nakapapasok dahil sa sakit. Sa ilang lugar, may mga batang nasawi.

Ang simpleng tubig sa lata o paso ay pwedeng pagmulan ng lamok. Kaya mahalaga ang paglilinis ng kapaligiran—sa bahay man o sa paaralan. Puwedeng magsagawa ng sabayang clean-up ang barangay at eskwelahan.

Mas makatutulong kung may information drive tungkol sa sintomas ng dengue—lagnat, rashes, pananakit ng katawan. Kapag maagang nakita, mas malaki ang tsansang gumaling.

Taon-taon bumabalik ang dengue. Pero taon-taon din, may mga nadadapuan. Hindi ito uso, pero isa ito sa pinakadelikadong sakit tuwing tag-ulan. Sa tulong ng malinis na kapaligiran, tamang kaalaman, at maagap na kilos, maraming buhay ang pwedeng maiwasan ang peligro.

1

Related posts

Leave a Comment