WALANG tigil sa paghahanda si Pinay fighter Denice Zamboanga para sa napipintong laban kontra South Korea’s Seo Hee Ham.
Ito’y kahit wala pang petsa ang laban nila na bahagi ng first round ng ONE Women’s Atomweight World Grand Prix ngayong taon.
Aminado si Zamboanga na hindi ‘walk in the park’ o madaling kalaban ang South Korean. “Seo Hee Ham is a dangerous opponent.”
Kaya tuloy-tuloy lang sa kanyang training ang Pinay mix martial artist upang aniya’y mabigyan niya ng magandang laban ang isa sa itinuturing na “most experienced athletes in the eight-woman bracket.”
Para kay Zamboanga, ’blessing in disguise’ sa kanya ang pandemic dahil nagkaroon siya ng mas mahabang panahon upang mag-ensayo para sa nakatakdang mabigat na laban.
“Thankfully, I have more time to prepare, to sharpen my skills, and really zero in on that game plan,” aniya.
Naniniwala rin si Zamboanga na maraming maaaring mangyari sa loob ng cage. At kung sino ang mas preparado ang siyang magtatagumpay sa huli.
173
