BAGAMA’T binigyan na ng partida, mistulang nabahag ang buntot ni dating Quezon Rep. Erin Tañada kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa hamon ng huli na magdebate sila sa publiko hinggil sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.
Magugunita na hinamon ni Defensor si Tañada na magdebate sila sa harap ng publiko dahil hindi umano nito makakadebate ang dating Liberal Party (LP) congressman sa plenaryo ng Kamara.
Ginawa ni Defensor ang hamon dahil tinitira siya ni Tañada sa kanyang naging posisyon sa prangkisa ng ABS-CBN na noong Hulyo 10, 2020 ay pinatay sa House committee on legislative franchises sa botong 70-11.
“I note my former colleague and chairman in the NUSP (National Union of Students in the Philippines) @erintanada has been openly attacking me on the ABS-CBN issue. To be fair, since he is not a congressman to debate me in the plenary, I invite him to debate publicly, on the issues as regards the franchise,” hamon ni Defensor.
Gayunpaman, sumagot ng “No” si Tañada dahil wala umanong mapapala at hindi na mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kapag nakipagdebate ito kay Defensor sa publiko.
“Cong @erintanada how can you attack someone and not accept his invitation to a public debate in the spirit of fair play and transparency?,” tanong ni Defensor sa dati nitong kasamahan sa NUSP.
Binigyan ni Defensor ng partida si Tañada na kapag napatunayan nito na walang naging paglabag ang ABS-CBN sa Saligang Batas at maging sa kanilang dating prangkisa ay siya mismo ang maghahain ng motion for reconsideration (MR) sa naging desisyon ng nasabing komite.
“If your arguments are more superior, I promise to make the motion for reconsideration in Congress. So yes, the debate can help ABS-CBN. When we debate on the ABS-CBN issue, I will not only argue the basis of my vote but as a bonus – orient you as well on the RULES OF THE HOUSE. I promise you, it can be done,” ayon pa kay Defensor.
‘POGI’ POINTS ISINANTABI
Isinantabi ng 70 congressmen na bumoto pabor sa Technical Working Group (TWG) Resolution na nagbabasura sa franchise application ng ABS-CBN ang ‘pogi’ points para sa katotohanan.
Ito ang pahayag ni Deputy Speaker LRay Villafuerte kasabay ng panawagan sa mga kritiko na hindi matanggap ang desisyon ng House committee on legislative franchise na basahin muna ang TWG report bago husgahan ang 70 congressmen na hindi pumanig sa kanilang kagustuhan.
“The 70 legislators who voted against renewal had arrived at a difficult decision in upholding the Committee Report, as it was convenient and popular to just vote for renewal, given the sustained media offensive of the TV network and its allies in the media–along with members of the political opposition who had shrewdly capitalized on this issue to score pogi points in the press by foisting phony issues upon the public at the expense of President Duterte,” ani Villafuerte.
Ibinase aniya ng 70 mambabatas ang kanilang desisyon sa resulta ng 13 pagdinig ng komite katuwang ang House committee on good government and public accountability sa prangkisa at paglabag ng ABS-CBN sa batas.
Kabilang sa naging dahilan aniya ng mga mambabatas sa pagboto pabor sa pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN ang iba’t ibang isyu tulad tax evasion at paggamit sa Philippine Depositary Receipts (PDRs) para makapasok ang mga dayuhan sa network na paglabag aniya sa Saligang Batas.
Kasama rin sa ‘deadly sins’ ng ABS-CBN na hindi mapalagpas ng mga mambabatas ang paglabag ng mga may-ari at panumuan nito sa labor laws, pagiging political bias sa nakaraang eleksyon, paggamit ng dummy corporation at pagiging US citizens ng kanilang chairman emeritus na si Eugeno “Gabby” Lopez III. (BERNARD TAGUINOD)
192
