MINSAN magtataka kung bakit mayroong mga taong may mga pinag-aralan naman sana, pero naniniwala sa sabi-sabi ng ilan nang hindi man lang nagsasaliksik kung ang paninira na kanyang napakinggan ay totoo ba o hindi, sila ‘yung mga taong kung tawagin natin na ‘di naman sana “TANGA PERO NAGTATANGA-TANGAHAN”.
Mahahalintulad ang mga taong ito doon sa mga indibidwal na mula pa naman sa mga napakalaki at magagarang mga paaralan sa bansa, subalit wala na silang alam na ipanawagan sa publiko kundi huwag daw payagan na maupo muli ang isa na namang Marcos sa Palasyo ng Malacañang. Bakit?
Ang panawagan ng mga naturang indibidwal ay kasunod na rin ng paghahain ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o BBM ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo ng bansa.
Akala ko ba’y matatalino ang mga yan, sabi nila kaya ayaw nila sa mga Marcos dahil ang mga ito raw ang nagpahirap sa Pilipinas dahil sa Martial Law! Wala na bang ibang isyu kundi laging ganoon? PABALIK-BALIK? Marami nang mga namamatay na mga Pilipino dahil sa pandemya, ‘yan pa rin ang inyong isyu!
Hindi man lang kaya sumagi sa isipan ng mga “Hunghang” kung hindi po siguro nagkaroon ng Martial Law noon baka kumunistang bansa na tayo ngayon!
Na marahil ay mas masahol pa ang magiging kalagayan natin sa sinapit ng bansang AFGHANISTAN na kahit sa harap ng publiko ay pinagbabaril o pinapatay ang mga indibidwal o mamamayan na ayaw sumunod sa kanilang kagustuhan o pamamahala.
Marahil ang mga taong ‘yan ay ayaw ng disiplina, ayaw nila kay dating Pangulong Ferdinand Marcos noon dahil hindi nila nagagawa ang kanilang mga katarantaduhan. ‘Yon bang kung tawagin ay “PANGINOONG NAG-UURI” na nahirati nang sila’y sinusuyo, siniserbisyuhan at higit sa lahat ay kailangan na yumukod ang sino man sa kanilang kagustuhan. Mahiya naman kayo sa “BALAT NINYO”, kayo nga ba ay Pilipino?
Siguro naman hindi lingid sa kaalaman ng mga taong ito na noong panahon ng pamamahala ni Pangulong Marcos, kapakanan ng taong bayan, mga estudyante at mga kabataan ang kanyang tinututukan dahil noon kahit wala kang baong pera, at papasok ka sa pampublikong eskuwelahan o public school ay may kakainin ka pa ring malaking tinapay na ibinibigay ng mga guro kapag recess na! Kung tawagin ang tinapay na ‘yon ay “Nutri-bun”, siguro hindi kilala ng mga “UNGAS” ang naturang tinapay dahil nasa magagara silang pribadong paaralan.
At ang nakatutuwa pa kapag uwian na ng mga mag-aaral, ay may bitbit pa kami na powdered milk, at giniling na yellow corn.
Ang mga bata noon na may magaan na timbang ay pinapadalhan ng powdered milk at yellow corn upang gumanda ang katawan ng bata at maabot nito ang tamang bigat para sa kanyang edad.
Ganoon kung papaano pinahahalagahan ni Pangulong Marcos noon ang mga kabataan, dahil sa naniniwala ito na nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
At ang nakatutuwa pa noon ay magaan ang pamumuhay dahil sa ginawang pagpapahalaga ni Pangulong Marcos sa mga Pilipino.
Noon ay matatag ang ekonomiya ng bansa, nangunguna sa buong Southeast Asia, ngayon nasaan na tayo? Nangunguna sa pagpapadala ng kung tawagin ay “modern day slave” na ang iba pa nga sa ating mga kababayan ay hindi maganda ang sinapit sa ibayong dagat dahil pinapatay pa ng mga “walanghiya” nilang mga amo.
Kayong mga nanawagan ng “Never, never again” at Boycott Marcoses’ ano na ba ang nagawa ninyo sa bansa? ‘Di ba wala kundi puro “KAUNGASAN” at sirain ang kaisipan o kinabukasan ng mga kabataan dahil sa halip na ituro ang tama at ang tunay na mapagmahal sa bayan, ang isinisiksik ninyo sa isipan ng kabataan ay karahasan, pag-aaklas at ang pagwewelga sa lansangan laban sa pamahalaan.
Naiisip ba ninyo na sa inyong ginagawa ay mas lalo ninyong pinahihirapan ang Pilipinas dahil sa wala nang katapusang kaguluhan, na ang pasimuno naman niyan ay ang mga kagaya ninyo na pansariling kapakanan lamang ang iniisip. Mahiya naman kayo sa mata ng truck!!!
Lagi ninyong isinisigaw na hindi naging maganda ang pamamalakad noon ng Pangulong Marcos sa bansa gayung hindi naman lingid sa inyong kaalaman kung paano nai-angat ni Marcos ang Pilipinas at ginawang number one sa lahat ng mga bansa sa Southeast Asia.
Wala na kayong ibang isyu sa Pamilya Marcos kundi pabalik-balik na Martial Law?
Bakit hindi ninyo nakikita ‘yung ilang mga lider magsasaka na pinagbabaril sa Mendiola at namatay, ‘di ba masahol pa sa Martial Law ‘yon? Dahil ang hinihingi lang ng mga magsasaka na nag-rally sa Mendiola noon ay maibalik na sa kanila ang lupain na matagal na nilang inasam-asam dahil ito’y nasa pamamalakad ng pamilya Aquino sa Hacienda Luisita at sino ba ang Pangulo ng panahon na ‘yon? ‘Di ba si Corazon Cojuangco Aquino?
At paala-ala na rin sa inyo na sa pamumuno rin ni Aquino, pinatanggal ninyo ang isang “Matinong Punong Mahistrado” ng Korte Suprema na si CJ Renato Corona, dahil sa naging decision ng Corona court na pumabor sa kahilingan ng mga magsasaka na makuha ang kanilang lupain mula sa mga Aquino.
At ang pinakamasaklap ay nagsimula ang paghihikahos ng mga Pilipino sa panahon din ng pamamahala ng mga Aquino na sinasabi ninyong simbulo ng kalayaan ng bansa mula sa Marcoses?
‘Yon ba ang kapalit ng sinasabi ninyong kalayaan? Ang pahirapan ang taong bayan? At inilugmok ninyo sa kahirapan ang Pilipino!
Naalala ko pa na ang isdang “PANG-MASA” kung tawagin ay galunggong, na 20-30 pesos lang ang bawat kilo sa panahon ni Pangulong Marcos, subalit umabot ito sa halos isang daang piso bawat kilo nang mamuno na ang sinasabi ninyong nagpalaya sa bayan na si Cory Aquino.
Puro kayo sigaw ng ”Never again sa Martial Law at “Boycott the Marcoses” dahil sa katuwiran ninyong magiging diktador din si BBM? Eh, ano kaya ‘yang ginagawa ninyo? ‘Di ba masahol pa kayo sa dating Pangulong Marcos dahil hinuhusgahan na ninyo ang anak niya na ang tanging pangarap na maibalik ang bayan sa dati nitong kinalalagyan?!
At kahit ang karapatan ng mamamayan na makaboto ay nasasagkaan na ninyo para lamang sa inyong mga pansariling interes! Gusto ninyong sundin kayo ng taong bayan sa inyong kabalbalan! Wala na bang kalayaan ang mamamayan na bomoto ng nais nilang mamuno sa kanila at pinapangunahan na ninyo?
Bakit? Ano ba ang kinatatakot ninyo kung maupong pangulo ng bansa si BBM? Dahil ba mawawala at hindi na ulit uubra ang mga mapanginoon ninyong uri?!
Ang gusto ninyo ay si Leni Robredo na kaya raw siya napilitang tumakbo upang labanan ang pambato ng administrasyong Duterte at huwag hayaang maging pangulo si BBM?
Ibig sabihin lang ni Ginang Robredo na kapag siya ang maupong pangulo ng bansa ay wala nang kapayapaan dahil puro away at kaso ang kanyang aatupagin sa kanyang pamumuno laban sa nakalipas na administrasyon. Aba’y ang tawag diyan ay “BINGGADOR” na kagaya ni Noynoy Aquino na wala nang ginawa sa panahon ng kanyang panunungkulan kundi sisihin ang administrasyong Arroyo.
Hay naku! Kawawa naman ang ating bansa kapag nanalong pangulo si Robredo dahil ‘yon lang pala talaga ang tanging adhikain niya, ang maghiganti at makipag-bangayan sa mga taong itinuring niyang kaaway at wala sa kanyang kaisipan ang kapakanan ng bansa!
Hay naku! Madam VP! Sobrang “L” talaga ng iyung pag-iisip, kawawa naman ang bayan ko, kung ikaw ang magiging Pangulo ng Pilipinas, dahil ‘yung inaasam na kapayapaan at pagkakaisa ng mga Pilipino ay wala sa bokabularyo mo kundi kaguluhan ang nasa “L” mong utak!!!
328 