‘DI PAGSUSUOT NG FACE SHIELD SINANG-AYUNAN

PABOR si dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janet Garin na maaari nang alisin ang mandatory na pagsusuot ng face shield bilang proteksyon kontra COVID-19.

Ayon kay Garin, maaari pa ngang makasama ang pagsusuot ng face shield lalo na kung hindi nagpapalit at paulit-ulit itong ginagamit.

Sa halip aniya, ang dapat ugaliin ay ang pagsusuot ng face mask.

“Ang pinakamahalaga ay ang testing, isolation at vaccination na siyang ating sundalo sa giyera ng COVID-19,” pahayag ni Garin.

Samantala, inihayag ng UP-National Institute of Health na hindi kailangan ang pagsasagawa ng neutralizing antibody test ng mga indibidwal na nakatanggap na ng bakuna para masuri ang efficacy ng COVID-19 vaccines.

Sa naganap na pagdinig ng House committee on health ay tinanong ni Garin ang mga eksperto hinggil sa ginagawa ng ilang indibidwal na antibody testing na nagbibigay lamang ng dagdag na alinlangan sa pagbabakuna.

Ani Garin, may mga resulta kasi na zero o negative ang level ng antibodies kahit pa nabakunahan na laban sa COVID-19. (ABBY MENDOZA)

191

Related posts

Leave a Comment