‘DI PALALAMPASIN; MANILA WATER IDEDEMANDA NG CONSUMERS

tubig12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI puwedeng unawain at palagpasin na lang ang puwerhuwisyong ginawa ng Manila Water sa kanilang mga customers at kailangang managot ang kumpanyang ito.

Ito ang pahayag ni Bayan Muna chairman Neri Javier Colmanares kaya hinikayat nito ang mga apektadong sa water crisis sa lugar na pinagseserbisyuhan ng Manila Water na pumunta sa kanila upang masampahan ng class suit ang nasabing kumpanya.

“Sa nangyayaring malaking perwisyo at pahirap na ito sa mamamayan dahil sa kapalpakan at pagkaganid ng Manila Water ay hindi uubra at dapat managot sila dito. Inaaral na namin ang pagsasampa ng kaso laban sa Manila Water sa nangyayaring water interruptions na ito,” ani Colmenares.

Mapapakalakas umano ang kasong ito laban sa Manila Waters kapag nagkapitbisig ang lahat ng mga apektado sa pagkalawa ng tubig sa kanilang lugar para panagutin ang nasabing kumpanya na isa sa dalawang water concessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

“Affected consumers have come to us for legal remedy and we are now studying a class suit to be filed against Manila Water for the losses suffered by small businesses and the hardships suffered by poor families,” panghihikayat ni Colmenares.

Sinabi naman ni Bayan Muna party-list Rep, Carlos Zarate na ang krisis sa tubig ay isa sa mga epekto ng maling polisya aniya ng gobyerno na isapribado ang mga basic service tuladng tubig.

Ayon sa mambabatas, matagal na sila nagbabala laban sa pagsasapribado dahil hindi umano serbisyo ang hangad ng mga pribadong kumpanya kundi kita tulad ng nangyayari ngayon.

Hindi naman kinagat ni BH party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy ang palusot ng Manila Water ang El Nino na nararanasan ngayon ng bansa ang dahilan kung bakit nagkaroon ng problema.

“I am skeptical of and doubt the statements of the water concessionaires because they have not been completely honest in the past. There are still many issues I have with them and with MWSS that I feel are unresolved in favor of Filipino consumers,” ani Herrera na kabilang na sa nagpatawag na pagdinig sa nasabing problema.

 

154

Related posts

Leave a Comment