DIE HARD

HOPE ni GUILLER VALENCIA

I’LL discuss Die hard, hindi ‘yun movie ni Bruce Willis. Let’s define die hard ayon kay Merriam-Webster dictionary, die hard as an adjective; strongly or fanatically determined or devoted (diehard fans) especially strongly resisting change (a diehard conservative). Sa iba pang kahulugan, ito ay loyal. Ang die hard bilang phrase means to be long in dying (such rumors die hard).

Sa kulturang Pinoy, likas na ang pagiging die hard na tagasunod ng mga lider o tao whether good or bad, sa mga samahan tulad ng simbahan o kulto, pampulitika o ideolohiya tulad ng Marxism-Leninism-Communism, pilosopiya, at iba pa.

Specifically, alam nating may mga pinoy na die-hard fan ni DaKing FPJ, may mga Rizalista at mga supporter na mga kultong lider ng relihiyon. Ang matindi rito sa Pinas ay may mga die-hard na mga tagasunod ng mga political leader at partido. Halimbawa, Marcos loyalists, DDS-Duterte, dilawan, at mga militanteng grupo, kung saan handang ipaglaban ang kanilang mga lider o samahan kahit itaya nila o ibuwis ang kanilang buhay.

May panawagan ako sa ating mga kababayan na ibinubuhos ang kanilang panahon, pagkatao at buhay dahil sa mga lider, idolo, samahan, at pilosopiya na kung saan walang pakinabang na malaki sa kabuuan ng buhay. Maybe some ay may pinansyal na pakinabang at status sa Lipunan.

Tularan sana natin si Apostol Pablo nang sinabi niya sa Philippians 1:21, “For me to live is Christ, and to die is gain.” Ibig sabihin na tayo bilang Christian and living for Christ ay to know him, follow him and serve His purposes. “To die is gain,” si San Pablo ay naniniwala na death is not a loss but a release from earthly suffering and a transition into eternal life.

Kaya kabayan, ibigay natin ang ating buhay sa Panginoon Hesus nang buong-buo na kung saan ang mamatay at maglingkod sa kanya ay may buhay na walang hanggan at eternal na pakinabang.

Be die hard (loyal) to Christ not to idols, actors, politicians, church leaders and to others! Only what we did to Christ will last forever! (giv777@myyahoo.com)

67

Related posts

Leave a Comment