‘DIRTY BANKS’ INAASAHANG LILINISIN NI ARCH ADVINCULA

SA pagtatalaga ni Pope Francis kay Cardinal Jose Fuerte Advincula bilang bagong Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM), nabuhayan at muling nagpahayag ng pag-asa ang Green energy group na matutuldukan na ang ‘coal financing’ sa bansa.

“We are thrilled to hear that Cardinal Advincula will be taking on this new role as Archbishop of Manila, and we wish him blessed beginnings. As one who is known to be a leader that listens to his flock, we look forward to how he would embrace the poor and vulnerable especially as this time of unprecedented crisis lingers,” ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, na humalili kay Cardinal Advincula bilang obispo ng San Carlos noong 2013.

Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring convenor ng Withdraw from Coal (WFC) na sa pamamagitan ni Cardinal Advincula ay makakasama nila ito sa kanilang krusada at pananagutin ang mga sumisira sa kalikasan.

Si Alminaza, kasama ang iba pang grupo na kontra sa karbon ay matagal nang aktibo na nakikipaglaban at humihiling sa mga lokal na bangko na ihinto na ang kanilang suportang pinansiyal sa mga ‘coal developer’ at mga proyekto nito sa bansa.

Nabatid na nitong December 2020, ang RCAM ay may 7.26% total shares sa bangko at 5th biggest stockholder.

Ang kasalukuyang Apostolic Administrator na si Bishop Broderick Pabillo, ay isa ring matapang na tagapagtaguyod laban sa ‘dirty coal.’ (TJ DELOS REYES)

154

Related posts

Leave a Comment