DISCAYA PLANONG GAWING SMART CITY ANG PASIG

NANGAKO si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na paghuhusayin ang buhay ng bawat Pasigueno; gagawing ‘smart city’ ang Pasig City, at lilikha ng isang pamahalaan na marunong makinig at walang sinomang mapag-iiwanan.

Isang negosyante, si Discaya ang pinakamahigpit na makakalaban ni incumbent Mayor Vico Sotto, na tumatakbo sa kanyang ikatlo at huling termino ngunit ang kanyang istilo ng leadership at governance, ay binabatikos dahil sa umano’y pagprayoridad sa mga hindi residente ng Pasig.

Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang gobyernong may puso, walang sinoman ang mapag-iiwanan at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan.

Nangako rin siya na pagkakalooban ang mga Pasigueno ng mga karagdagang imprastraktura, health insurance, lilikha ng trabaho, magkakaloob ng libreng edukasyon at low-cost housing projects.

Isang construction firm owner, nangako rin si Discaya na magpapatayo ng mas maraming imprastraktura gaya ng mga tulay at konkretong road networks na magkokonekta sa interior barangays sa mga pangunahing kalsada.

“This is a big dream but it should start with a dream because if you do not have a dream, you have no inspiration,” aniya. Bilang baguhan sa pulitika, nabatid na naging inspirasyon ni Discaya sa pagtakbo bilang alkalde ng Pasig ang nasaksihang pagdurusa ng karamihan sa mga Pasiguenos mula sa kahirapan, red tape at kakulangan ng suporta ng pamahalaan.

Kilala sa Pasig bilang si Ate Sarah, siya ay isang negosyante na madalas magtungo sa mga underprivileged at low-income communities sa lungsod para sa kanyang regular charity works.

Ang kanyang matagal nang pagdaraos ng medical mission at pamamahagi ng lahat ng uri ng tulong sa mga nangangailangang Pasigueños, na karamihan ay indigents, ang siyang nagtulak sa ilang sectoral organizations upang kumbinsihin siyang pumasok sa pulitika at tumakbo sa mayoralty race.

Una nang sinabi ni Discaya na sakaling palaring maging susunod na alkalde ng lungsod, ipaprayoridad niya ang pag-modernize sa lungsod at gawin ito bilang isang Smart City, kung saan ginagamit ang teknolohiya at data sa pagpapahusay ng buhay ng mga residente.

“Providing house for every Pasiguenos would be a gargantuan task but, but it is not impossible to do,” aniya.

Ang kanyang mga action plans at mga proyekto ay magpopokus sa pagpapahusay ng buhay ng mga Pasigueños sa pamamagitan ng state-of-the-art infrastructure. Kabilang na rito ang mga Smart hospitals para sa quality healthcare, Smart schools para sa quality education, Smart facilities para sa law enforcers upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, Smart homes na may oportunidad para sa economic self-sufficiency, at isang Smart city hall na maaaring ipatayo sa rasonable at mababang pondo para sa tapat at dedicated na public servants.

15

Related posts

Leave a Comment