Diskarte muna ng LGUs sa quake affected areas PRES. MARCOS HINDI EEPAL

(CHRISTIAN DALE)

DUMISTANSYA muna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpunta sa mga apektadong lugar na inuga ng malakas na lindol, Miyerkoles ng umaga.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na ayaw niyang makagulo sa trabaho ng local officials.

“I am staying away from going to the affected areas for a very simple reason. It has been my experience as governor, it has been my experience in Yolanda that when the national officers come to the affected areas immediately ginugulo lang namin ang trabaho ng lokal,” aniya pa rin.

“Halimbawa, pupunta ako dun hahanap pa ako ng police para mag-secure, kailangan ako i-meeting ng mga local officials e marami silang ginagawa,” ayon sa Pangulo.

Kaya makabubuti aniyang hintayin na lamang nila sa national government na sabihin ng lokal na pamahalaan ang tunay na sitwasyon doon.

“And, maybe I can schedule a trip perhaps tomorrow as soon as possible.

Iyon ay dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na malakas ang lindol na pumalo ng 7.3 magnitude.

“Napakalakas na ‘yan, hanggang Ilocos Sur nag-approx 6.0 which in the Richter scale is stale a very strong earthquake,” aniya pa rin.

Rescue and relief teams

Agad ding nakipag-ugnayan si Pangulong Marcos sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na agad ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagpapadala ng rescue and relief teams sa lalawigan ng Abra.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang Pangulo sa mga lokal na opisyal doon at lahat ng ahensiya na may kinalaman sa disaster preparation at relief operations.

“For use all of these have been ordered dispatch by the president,” ayon kay Angeles.

Tinawagan naman ng pansin ng Chief Executive ang telcos na magbigay ng agarang tulong at libreng komunikasyon sa lahat ng lokasyon kung saan bumagsak ang tower upang mapanatiling bukas ang communication channels.

Agad namang lilipad ang Pangulo patungo sa nasabing lugar sa oras kapag “all clear is given.”

Abra napuruhan

Kaugnay nito, kinumpirma ni Abra Rep. Ching Bernos na nag-iwan ng matinding pinsala sa kanilang lalawigan ang lindol.

“This strong earthquake shocked many of my beloved Abreños and caused damages to many households and establishments,” pahayag ni Bernos sa mga mamamahayag kahapon.

Bilang patunay, nagpadala ng mga larawan ang mambabatas ng mga napinsalang bahay na tumagilid sa lakas ng pagyanig ng lupa at nagkaroon din ng damage maging ang kanilang simbahan.

“I urge everyone to stay alert and to prioritize safety in light of the possibilities of aftershocks that might be felt after that strong earthquake. We are monitoring the situation on the ground and gathering information on the extent of the damage to the Province,” ayon pa kay Bernos.

Sa Ilocos Sur, partikular na sa Vigan ay maraming imprastraktura ang nasira kabilang na ang harapan ng isang simbahan at base sa social media post ng mga netizen, nagbagsakan ang bato mula sa Bantay Bell Tower na isa sa mga tourist attraction sa nasabing lalawigan.

Sa Governor Bado Dangwa National road partikular ang Boroan, Longilong, Datakan, Kapangan, Benguet ay hindi madaanan dahil sa landslide.

“Several National and Local Roads in the province were declared as not passable to ensure the safety of the motorists,” pagkumpirma naman ni Benguet Rep. Eric Yap kung saan marami aniyang private at public infrastructure ang nasira tulad ng Northern Benguet District Hospital.

Sa Kamara, agad naglabasan sa kanilang opisina ang mga tao matapos maramdaman ang lindol. Agad din ininspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang lahat ng gusali bago pinabalik ang mga empleyado subalit sa isang larawan na ibinahagi ng Kamara, may isang bahagi ng pader sa plenaryo ang nakitaan ng crack. (May dagdag na ulat si BERNARD TAGUINOD)

165

Related posts

Leave a Comment