(NI BERNARD TAGUINOD)
BINIGYAN ng militanteng grupo ang Department of Energy (DOE) ng ultimatum para ilabas ang memorandum na nag-aatas sa mga oil companies na idetalye ang kanilang presyo, dahil kung hindi ay kakasuhan na ang mga ito dahil hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin na proteksyunan ang mga consumers.
Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing babala dahi sa Martes, Pebrero 26, ay muling magpapatupad ng big time oil price hikes ang mga kumpanya ng langis.
“We’re tired of hearing the DOE’s failed promises; just release the unbundling order and have the oil companies submit their data. If they will still not issue the memo by next week especially with the upcoming big time oil price hike then we might file charges against them for being remiss of their duty,” ani Zarate.
Nakasaad aniya sa Section 12 at 15 ng Oil Deregulation Law na tungkulin ng DOE Secretary na atasan ang mga oil companies na idetalye kung ano-ano ang gastos ng mga ito na kanilang pinagbabatayan sa ipinapatupad na presyo.
Unang ipinatupad ang batas noong 1998 subalit hanggang ngayon ay walang ideya ang mga consumers kung magkano ang puhunan ng mga oil companies at wala ding ideya ang mga tao kung nagkakaroon ng overprice o hindi dahil hindi ginagampanan ng DOE ang kanilang trabahong proteksyunan ang mga tao.
Kasama sa nais ipadetalye ng mga militanteng mambabatas kung ang datos sa presyuhan ng langis mula sa pag-import, , freight, land transportation, additives at lahat ng proseso na nagdadagdag sa presyo nito sa lokal na merkado.
“Ang tagal na pong nakatennga sa DOE ang department order na ito pero hanggang ngayon ay inuupuan pa din nila. Sabihin na nila kung sino sa mga oil companies ang pumipigil at nananakot sa kanila para masampahan din ng kaso,” ani Zarate.
Sa Martes, ay tataas ng P1.40 hanggang P1.75 ang presyo ng kada litro ng gasolina,;P1.40-P1.50 sa diesel; P1.30-P1.40 sa kerosene at P1 hanggang P2 sa bawat kilo ng Liquified Petroleum Gas (LGP).
“Ang hirap kasi na taas ng taas ang presyo ng langis pero bulag naman tayo kung tama ba ang sinisingil sa atin,” ayon pa kay Zarate.
163