DOH: PINOY NA POSITIBO SA COVID-19 SA JAPAN, 59 NA

NADAGDAGAN ng sampu ang bilang ng mga Pinoy na sakay ng M/V Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito ay umabot na sa 59 ang mga Pinoy na sakay ng crusie ship na nagpositibo sa nasabing sakit, ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa
isang press conference.

Dalawa naman sa mga ito ang gumaling at nakalabas na rin ng ospital. May lima pang inaasahang lalabas sa medical facilities ngayong linggo, ayon naman
kay Foreign Affairs Spokesperson Ed Meñez.

538 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong lulan ng cruise ship nang sumailalim ito sa quarantine sa Japan matapos magpositibo sa naturang sakit ang isang pasahero
nito.

Inaasahan namang magbabalik sa bansa ngayong araw ang mga Pinoy na sumang- ayon sa repatriation.

Sasailalim din sila sa 14-day quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac. DAHLIAS. ANIN

138

Related posts

Leave a Comment