TINIYAK kahapon ng Department of Justice (DOJ) na maghahain sila ng motion for reconsideration sa Timor-Leste Court of Appeals matapos ibasura ng kanilang bansa ang extradition request para pabalikin sa Pilipinas si dating Negros Oriental congressman Arnulfo Teves Jr.
Sa isang ambush interview sa DOJ, kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na itinuturing ito bilang undocumented alien dahil kanselado na ang kanyang Philippine passport.
Sinabi ng kalihim, nakausap nila kahapon si Undersecretary Raul Vasquez, ang abogado ni Pamplona Mayor Janice Degamo.
Si Mayor Janice ang naulilang maybahay ni dating Negros Oriental governor Roel Degamo na pinagbabaril at napatay noong 2023 kung saan nadamay ang siyam na sibilyan.
Kaugnay nito, hindi na ibinahagi ni Remulla kung ano ang kanilang mga napag-usapan o mga paghahanda sa pagtugon sa kasong multiple murder at frustrated murder na kinakaharap ng pangunahing suspek o respondent na ngayon ay nananatili sa Timor-Leste.
(JULIET PACOT)
