DOJ NAGTATAG NG BAGONG PROSECUTION OFFICE SA CAR

ISINUSULONG ng Department of Justice (DOJ) ang pagtatatag ng bagong Regional Prosecution Office sa Cordillera Administrative Region (CAR) upang mapalapit ang serbisyo ng hustisya sa Northern Luzon.

Pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang serye ng pulong sa rehiyon mula Marso 24 hanggang 25, 2026 para sa operationalization ng tanggapan, alinsunod sa Republic Act No. 10071 at Executive Order No. 220.

Dumalo sa mga pulong sina DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, Assistant Secretary Francis John Tejano, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at iba pang opisyal ng prosecution offices sa rehiyon.

Tinalakay ang pagtiyak ng permanenteng tanggapan, pagpapalakas ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan at law enforcement agencies, pagpapahusay ng case management, at suporta para sa mga testigo at biktima.

Layunin ng DOJ na mapabilis ang pagresolba ng mga kaso at mas mailapit ang hustisya sa mga komunidad sa rehiyon.

(JULIET PACOT)

72

Related posts

Leave a Comment