SULU – Nagkasa ng rescue operation ang special unit ng militar para sagipin ang isang doktor makaraang dukutin sa kanyang klinika ng hindi kilalang mga suspek na nagpanggap na mga pulis at militar, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Jolo sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Dr. Daniel Moreno, ng Barangay Walled City, Jolo, Sulu.
Batay sa report ng Western Mindanao Command, dakong alas 7:00 nitong Martes ng gabi nang dukutin ang biktima ng apat na lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis at militar
Ayon sa militar, isinakay ng mga suspek ang biktima sa isang Tamaraw FX na pinasibad patungo sa KM3, Indanan, Sulu.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pagdukot kay Moreno. (ANNIE PINEDA)
