BILANG tugon sa naging epekto ng pananalasa ng bagyong Tino– ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office VII ay agad na nagpakilos ng rapid response team upang suriin ang pinsala sa mga negosyo at alamin ang mga nawalan ng trabaho upang masiguro na makatatanggap ng naangkop na tulong mula sa ahensya.
Ayon sa DOLE, ang mga lugar na labis na naapektuhan ay ang Danao City (300 establishments), Compostela (130), at Liloan (65) base sa inisyal na datos na nakalap ng Cebu Provincial Field Office (CPFO).
Sinabi ni Regional Director Atty. Roy L. Beunafe, patuloy na bina-validate ng kagawaran ang datos at magbibigay ng tulong sa ibang lugar na apektado pa rin.
Pagtitiyak pa ng opisyal, ang DOLE Central Visayas ay patuloy na babantayan ang sitwasyon, makikipagtulungan sa local government units at magbibigay ng napapanahong tulong upang makatulong sa muling pagbuo ng mga buhay at pagpapanumbalik ng pag-asa sa apektadong mga komunidad.
(JOCELYN DOMENDEN)
64
