HINDI nagbigay ng exemption ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanyang nabigong makapagbigay ng 13th month pay sa itinakdang huling araw noong Bisperas ng Pasko.
Muling nagpaalala ang DOLE sa deadline ng pagbibigay ng 13th month pay at wala nang tatanggapin pang anomang kahilingan para sa exemption o deferment kapag lumagpas sa nasabing petsa.
Ayon sa ahensya, obligasyon din ng mga employer na magsumite ng report bilang patunay ng pagsunod, na dapat ipadala sa pamamagitan ng DOLE Establishment Report System (DERS).
Babala pa ng DOLE, mahigpit na imo-monitor ng mga Regional, Field, at Provincial Offices kung tama at kumpleto ang naibigay na 13th month pay sa mga manggagawa. Ang mga lalabag ay maaaring managot alinsunod sa umiiral na batas paggawa.
Samantala, ipinaalala rin ng Labor Department ang tamang holiday pay para sa mga papasok sa trabaho ng Pasko at Bagong Taon, kung saan may karagdagang 30 porsyento ng sahod sa unang walong oras ng pagtatrabaho.
Giit ng DOLE, karapatan ng manggagawa ang 13th month pay at tamang sahod sa holiday, at hindi ito dapat ipinagkakait o ipinagpapaliban ng sinomang employer.
(JULIET PACOT)
138
