INAMIN ng mismong administrador ng Food and Drug Administration (FDA) na matagal nang matindi ang “red tape” sa ahensiya.
Ani Undersecretary Eric Domingo, nang italaga siyang administrador ng FDA noong 2019 ay nadiskubre niyang napakaraming aplikasyon ng pharmaceutical firms ang nakabinbin sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) ng ahensya.
Marami sa mga nagsumite ng aplikasyon ay noong 2014 pa nagpasa ng mga rekisito.
Ani Domingo, pinakilos na niya ang CDRR upang mabawasan ang mga aplikasyon ngunit, kamakailan ay nabunyag sa media na mahigit 600 pa ang nakabinbing aplikasyon dito.
Nagreklamo na ang mga kumpanyang ito sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) kaya nagpasya ang huli na imbestigahan ang FDA, partikular ang CDRR. (NELSON S. BADILLA)
152
